Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mababang ranking ng Pilipinas sa COVID Recovery study ng Nikkei Asia, ipinagtanggol ng pamahalaan

$
0
0

MANILA, Philippines – Panghuli ang Pilipinas o pang-121st sa Global COVID Recovery Ranking ng Nikkei Asia na isang financial news magazine sa Asya.

Sa nasabing ranking, 30.5 ang nakuhang marka ng Pilipinas samantalang ang Malta naman ang nanguna sa ranking matapos makakuha ng 73 sa recovery index.

Nakabatay ang recovery index sa infection management, vaccine rollout, at social mobility ng isang bansa sa score na zero hanggang 90.

Lumabas ang Nikkei Asia report isang linggo matapos ang COVID Resilience Ranking ng Bloomberg kung saan pang-huli rin ang Pilipinas sa 53 bansa.

Subalit ayon kay Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergerei, ginawa ang mga ulat sa isang partikular na time period o sa buwan ng Setyembre kung kailan nasa peak ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas dahil sa Delta variant samantalang lumipas na ang surge na ito sa ibang bansa.

“They compared ito pong pagtaas ng infection rate, when in fact, ‘di pare-pareho ang time periods ng pagtaas ng kaso sa bawat bansa. Pangalawa po, yung atin pong pagbabakuna naging erratic din po this September because of the supplies. Of course, yung ating access, naapektuhan din naman dahil sa pagtaas ng kaso,” ani Vergeire

Sa ngayon aniya ay pinalalawak pa ng gobyerno ang pagbabakuna sa bansa, kasabay ng pagtitiyak na gumagana na rin ang pagbabago sa mga polisiya ng gobyerno at unti-unti nang bumababa ang mga kaso.

Para naman sa Malakanyang, ang deklarasyon ng World Health Organization ang matimbang kung saan isa ang Pilipinas sa may pinakamababang COVID-19 case fatality rate kumpara sa ibang bansa sa rehiyon.

Iginiit rin ni Presidential spokesperson Harry Roque na nagbago na ang estratehiya ng pamahalaan upang unti-unting makapagbukas ng ekonomiya.

“Nagpa-pilot tayo ng iba’t ibang paraan sa pamamagitan ng localized lockdowns at alert levels para nga po mabawasan upang maiwasan ng tuluyan ang mga malawakang lockdown talaga naman pong balakid para tayo po ay makabalik sa dating buhay,” ani Roque. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Rosalie Coz)

The post Mababang ranking ng Pilipinas sa COVID Recovery study ng Nikkei Asia, ipinagtanggol ng pamahalaan appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481