Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

PNP, nanawagan sa kanilang mga miyembro na panatilihing mataas ang moral sa kabila ng pagkakasangkot sa krimen ng ilang tiwaling pulis

$
0
0

FILE PHOTO: Ang ilan sa iba’t-ibang unit ng Philippine National Police (UNTV News)

MANILA, Philippines – Nanawagan ang pamunuan ng Philippine National Police sa kanilang mga tauhan na panatilihing mataas ang moral at pag-igihin pa ang trabaho sa kabila ng sunod-sunod na pagkakasangkot sa krimen ng ilan nilang tiwaling kasamahan.

Kabilang sa ibinabato ngayon sa pambansang pulisya ang pagkakasangkot ng ilang tauhanng La Loma Police sa kaso ng kidnapping sa EDSA na naging viral sa social media.

Ayon kay PNP-PIO Chief P/CSupt. Reuben Theodore Sindac, dapat na ituring na isang hamon ito sa hanay ng pulisya.

“Wag masisira ang loob and to continue their duties with the best of their abilities, wag po kayong madi-distract don sa iba’t ibang issues that are hounding the PNP, this are just part of our experience.”

Sinabi pa ni Sindac na hindi na nila kontrolado ang kaisipan at ugali ng isang pulis at wala silang magagawa kung babaliwalain nito ang sinumpaang tungkulin.

“Nung dumating sa amin yan, halos buo na ang kanilang character at personality individual na yun eh. We could do only so much para i-train sya at gawing mabuting pulis pero ang punot-dulo ay yung kanyang pagkatao kung anong nabuong pagkatao sa kanya,” anang opisyal.

Apela ng PNP sa publiko na huwag mawalan ng tiwala sa lahat ng pulis dahil mas marami pa rin ang mabubuti kaysa sa mga tiwaling pulis.

“Nananawagan ako sa ating mga kababayan na we have one police force and that police force is strong and faithful to its calling na pangalagaan ang inyong safety and security to protect lives and property,” saad pa ni Sindac.

Maging ang Palasyo ng Malakanyang ay naniniwalang mas marami pa ring mga pulis na nagtatrabaho nang maayos.

“There are hundred 125K officers and men of the Philippine National Police at iilan yung mga sangkot dito,” pahayag ni PCOO Secretary Herminio ‘Sonny’ Coloma Jr.

Kaugnay nito, muli namang tiniyak ng PNP na hindi nila kukunsintihin ang kabuktutan ng kanilang mga kasamahan tulad ng mga pulis na sangkot sa kaso ng pagpatay kay P/CInsp. Roderick Medrano; ang pamamaril ng isang pulis sa Lingayen High School; at ang pagpatay sa car racing champion na si Enzo Pastor. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481