Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

COVID-19 vaccination ng mga menor de edad, sisimulan na sa Oct. 15 – DOH

$
0
0

MANILA, Philippines – Pinaghahandaan na ng Department of Health (DOH) ang napipintong pagbubukas ng COVID-19 vaccination para sa mga menor de edad sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa Biyernes, Oktubre 15 na sisimulan ang pagbabakuna sa mga batang may edad 12 hanggang 17.

Gagawin ang pilot vaccination sa walong ospital sa Metro Manila:

  • Philippine Children’s Medical Center
  • National Children’s Hospital
  • Philippine Heart Center
  • Pasig City Children’s Hospital
  • Fe Del Mundo Medical Center
  • Philippine General Hospital
  • Makati Medical Center
  • Luke’s Medical Center (Taguig)

“They will start on October 15, inihahanda na po ang mga ospital na kasama dito. Nakapag-orientation na po sila, logistics are being prepared already,” ani Vergeire.

Uunahin sa pagbabakuna ang mga batang may co-morbidities pero tiniyak ng DOH na may kapasidad ang pamahalaan na i-monitor at agad tugunan ang posibleng adverse reaction sa bakuna.

“We have that capacity to detect and manage these kind of reactions,” ani Vergeire.

Ang mga bakunang gawa ng Pfizer at Moderna ang gagamitin sa pagbababuna sa mga bata dahil ang mga ito lang ang nabigyan ng emergency use authorization (EUA) sa Pilipinas para gamitin sa mga menor de edad.

Una nang napaulat ang pagpapatigil ng mga bansang Sweden, Denmark, at Finland sa pagbabakuna sa mga menor de edad gamit ang Moderna COVID-19 vaccine dahil umano sa pagdudulot nito ng myocarditis.

Ito ay isang uri ng sakit na nagdudulot ng pamamaga ng muscle sa puso at nalilimitahan ang pag-pump ng dugo kaya nababago ang pintig ng puso ng isang indibidwal.

Ngunit ayon sa DOH, “very rare” o pambihira lamang ang mga ganitong kaso matapos maturukan ng Moderna vaccine.

“Kapag tinignan po natin ang ating datos, even internationally,makikita ho natin, of cases of this type of adverse reaction iyong myocarditis is just less than 1 in a million so ibig sabihin it’s very rare,” ani Vergeire.

“Lahat ng batang magkakaroon o bibigyan ng bakunang ito atin pong imo-monitor ng maigi iyan kaya ang napaka-importante ang benefit outweighs the risk. Kailangan handa ang ating sistema to detect and to manage if ever this will happen,” dagdag pa niya. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Aiko Miguel)

 

The post COVID-19 vaccination ng mga menor de edad, sisimulan na sa Oct. 15 – DOH appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481