MANILA, Philippines – Tatlumpung araw ang itatagal ng pilot implementation ng pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga batang may edad 12 hanggang 17 sa Metro Manila.
Ayon sa Department of Health (DOH), phase 1 ng pediatric vaccination ang pagbabakuna sa mga batang may co-morbidity at prayoridad sa unang linggo ng implementasyon ang mga batang may medical record na sa participating hospitals, naka-admit man o outpatient.
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, wala pa silang maibibigay na detalye ukol sa phase 2 ng pediatric vaccination dahil nakasalalay sa result ng unang phase ang desisyon kung palalawigin ito.
“Ito po ang pag-uusapan ano, lahat po ng succeeding phases will be dependent on what happens sa pilot implementation, this Phase 1,” ani Vergeire.
“Titingnan natin lahat ng operational issues and different important aspects na kailangan natin ikonsidera bago po tayo lumipat sa Phase 2. That’s the main reason why we do pilot para makita po natin how we can further improve our processes,” dagdag pa niya.
Ayon sa DOH, naka-abang rin sila sa magiging kalalabasan ng unang araw ng pagbabakuna, kasabay ng pagtitiyak na tututukan nilang maigi ang pagbabantay sa mga batang tinurukan ng bakuna.
“We still do not have that data right now. Unang-una wala po tayong national registry for this specific comorbidity of children. Meron ho tayong pailan-ilan in the bases for some of these comorbidities but it is not complete. What we are relying on right now, would be yung mga dadating sa ating mga ospital although meron ng pool of patients ang mga ito, na kanilang mga pasyente na talaga ng kanilang pediatricians doon sa hospitals that we have identified,” ani Vergeire.
“Maybe after one week, we can give you a rundown of how many children were vaccinated based on the number of patients that we have in that specific hospital,” dagdag pa niya.
Ngayong Biyernes sinimulan ng pamahalaan ang pilot pediatric vaccination saw along piling ospital sa Metro Manila.
Ang mga ito ay ang Philippine Children’s Medical Center, National Children’s Hospital, Philippine Heart Center, Pasig City General Hospital, Fe Del Mundo Medical Center, Philippine General Hospital, Makati Medical Center at ang St. Luke’s Medical Center sa Taguig. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Aiko Miguel)
The post Pagpapalawig ng COVID-19 pediatric vaccination naka-depende sa resulta ng phase 1 – DOH appeared first on UNTV News.