Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Proposed Bangsamoro Basic Law, isinumite na ni Pangulong Aquino sa Kongreso

$
0
0

The draft Bangsamoro Basic Law was submitted to Congress during formal ceremonies held in Malacañan Palace on September 10, 2014.
(CREDIT: Malacanang Photo Bureau)

MANILA, Philippines – Isinumite na ni Pangulong Benigno Aquino III kina Senate President Franklin Drilon at House Speaker Feliciano Belmonte ang mga kopya ng proposed Bangsamoro Basic Law sa isang turnover ceremony na ginanap kahapon ng umaga sa Malakanyang, Miyerkules.

Binubuo ang proposed Bangsamoro Basic Law ng 122 pahina na may 18 artikulo na idinidetalye ang mga probisyon sa pagbuo sa Bangsamoro government sa taong 2016.

Nakasaad dito ang magiging identity, teritoryo, mga prinsipyo, polisiya at political at electoral systems ng Bangsamoro government.

Ang panukalang batas ay nakasaad bilang ‘an act providing for the basic law for the Bangsamoro and abolishing the Autonomous Region in Muslim Mindanao, repealing for the purpose Republic Act number 9054 at Republic Act Number 6734.

Sa kanyang talumpati, tiniyak ni Pangulong Aquino na ang Bangsamoro Basic Law ay pinanday na mabuti upang ito ay maging katanggap-tanggap sa lahat at naaayon sa konstitusyon.

“Tiwala ang nagdala sa atin dito. Sa kabuuan ng negosasyon, nakita kong talaga namang desididong makarating sa isang kasunduan ang bawat panig. Napatunayan po natin: sa panahong hindi natin iniisip kung paano makakapanlamang, narating natin ang isang sitwasyon kung saan lahat ay panalo. Ngayong mayroon na tayong panukalang batas, matibay ang aking pananalig na sang-ayon ito sa ating Saligang Batas; na matapat ito sa mga prinsipyo ng ating Comprehensive Agreement on the Bangsamoro; na sinasalamin nito ang ating kolektibong pagsisikap tungo sa pag-unlad na walang naiiwan.”

Nanawagan rin ang pangulo ng pagkakaisa sa hakbanging ito tungo sa kapayapaan sa Mindanao.

Partikular na nanawagan ang pangulo sa mga mamamayan na makikibahagi sa plebisito para sa pagbuo ng Bangsamoro government.

“Ang panawagan ko po sa ating mga kapatid na boboto: Pag-aralan ninyo sana nang mabuti ang mga nailatag na probisyon. Ang inyong pag-unawa at pakikilahok ang magiging pananggalang ninyo sa mga nagpapakalat ng agam-agam sa ating agenda ng pangmatagalang kapayapaan. Ito rin ang magbibigay sa inyo ng higit na kakayahang makibahagi sa transisyon patungo sa isang matatag na pamahalaang Bangsamoro pagdating ng 2016.”

Maging ang panig ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ay naniniwala na magiging positibo ang kalalabasan ng pagsasabatas ng BBL.

“The reality that nothing happened since we started craft the Bangsamoro Basic Law until now so I don’t believe there’s a growing radicalization,” pahayag ni MILF Peace Panel Chief Mohagher Iqbal.

Samantala, aminado naman si Senate President Franklin Drilon na bagama’t suportado nila ang proposed Bangsamoro Basic Law ay hindi naman magiging madali ang pagsasabatas nito.

Aniya, “This bill will have bi partisan support we will co-author it with our colleagues and we will immediately set the committee hearings next week.”

“Will find difficulty I don’t think we can passed this by the end of the year we are given our best shot but it’s extremely difficult because of the budget debates.”

Target ng kongreso na maipasa ang proposed BBL sa 1st quarter ng 2015.

Ayon naman kay Senator Bongbong Marcos, Chairman ng Committee on Local Government, plano nila na magikot sa mga maaapektuhang lugar sa pagbubuo ng Bangsamoro government upang masukat ang sentimyento ng mamamayan.

Binabalak rin ng senador na imbitahan sa committee hearing si Moro National Liberation Front Founding Chairman Nur Misuari.

“He still wanted he has a warrant against him we are thinking about allowing a suspension of that to allow the Chairman Nur Misuari to come and speak and give his idea because if you remember the Zamboanga uprising was precisely a product of MN feeling that they were left out,” ani Sen. Marcos.

Pagkatapos na maisumite ng pangulo sa kongreso ang proposed BBL ay agad naman niya itong sesertipikahan bilang urgent bill.

Umaasa ang lahat na bago bumaba sa pwesto si Pangulong Aquino sa 2016 ay maitatatag na ang Bangsamoro government. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481