Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga pauwi ng probinsya para sa long weekend, dumarami na – PITX

$
0
0

MANILA, Philippines – Unti-unti nang dumadagsa sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ang mga pauwi ng probinsiya para samantalahin ang long weekend.

Sa PITX naka-himpil ang mga bus na may biyaheng Katimugang Luzon.

Ayon kay Jayson Salvador, ang nangangasiwa sa PITX, mahigit sa 60,000 pasahero ang inaasahang nilang darating sa mga terminal para bumiyahe ngayong weekend.

“Yung pasahero natin during the intense lockdown ay nag-a-average tayo ng 20,000 to 25,000. Ngayon, simula nang nilagay tayo sa Alert Level 3, pumapalo na po tayo sa 50,000 to 55, 000 passengers a day and we anticipate that going towards the long weekend na Undas that it might reach 60,000 to 65,000,” ani Salvador.

Tiniyak naman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nakahanda na ang ahensiya sa inaasahang pagdami ng mga pasahero.

Tinututukan rin nito ang mga malalaking terminal sa Metro Manila upang masegurong maayos ang sitwasyon at naipatutupad ang health protocols laban sa COVID-19.

“Taon-taon naman, may pandemic o wala, mayroon po tayong tinatawag na Oplan Undas. Yung Oplan Undas po, takes about in the context of having to monitor and inspect the units as well as inspect and prepare the terminals—yung mga bus terminals—para sa pagdagsa ng mga pasahero,” ang wika ni LTFRB chairman Atty. Martin Delgra.

Samantala, tiniyak naman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nagsasagawa na rin ito ng inspeksyon sa PITX upang mapa-alalahanan ang mga driver at kondukto, pati na rin ng mga pasahero na sumunod sa physical distancing, at health protocols upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19.

“Ang MMDA, nagbibigay ng mga alcohol test sa mga drivers. Tinitingnan kung mga naakainom o hindi. Kaya I would say na talagang handang handa na tayo maging sa mga sasakyan sa mga pagbyahe sa mga probinsya,” ani MMDA chairman Benhur Abalos.

Payo ng PITX sa mga pasahero, bumili ng ticket 48 oras bago ang petsa ng pag-biyahe upang makaiwas sa pila at abala.

Alamin rin ang requirements ng local government unit sa lugar na pupuntahan upang maihanda ang mga kailangang dokumento at proseso gaya ng pag-secure ng antigen test. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Asher Cadapan Jr.)

The post Mga pauwi ng probinsya para sa long weekend, dumarami na – PITX appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481