Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, posibleng umabot sa 52K sa Disyembre – DOH

$
0
0

MANILA, Philippines – Patuloy na bumababa ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

Ngunit ayon kay DOH Epidemiology Bureau director Dr. Alethea de Guzman, bumabagal na ang pagbaba ng kaso sa ngayon kumpara sa mga nakalipas na linggo.

Aniya, kailangan itong bantayan dahil sa posibilidad na muling lumobo ang mga kaso sa bansa.

“May nakikita tayong pagbagal sa ating pagbaba [ng kaso]. It is still going down but the decline is slower than the previous weeks,” ani De Guzman.

“There is a decline pero pag bumabagal na… Ayun ang higit nating binabantayan kasi yung pagbagal na iyon, posibleng makita natin from a negative, nagpo- positive tayo,” dagdag pa niya.

Sa kasalukuyan, nasa low-risk classification ang Metro Manila at ang buong bansa.

Nasa 4,183 ang average na naitatalang kaso sa mga nakalipas na araw habang 770 ang average daily cases sa Metro Manila mula Oktubre 26 hanggang Nobyembre 1.

Pero babala ng DOH, dapat mag-ingat ang publiko at manatiling sumunod sa health protocols upang maiwasan ang muling pagtaas ng hawaan.

“Yung isang call namin, kailangan yung tuloy-tuloy na paghahanap ng kaso. Palagi kong nababanggit na in surveillance in case detection – when cases go down, this is the opportunity for us to intensify the active case finding kasi we want to be able to prove na pag mababa ang kaso, talagang mababa ang kaso; wala tayong nami-miss out na mga cases,” ani De Guzman.

Ayon kay De Guzman, nagsasagawa na ng assessment ang DOH sub-technical working group upang magkaroon ng mas matibay na batayan kung talagang ligtas nang ibaba sa alert level 2 ang Metro Manila sa kalagitnaan ng Nobyembre.

May projections na rin aniya ang kagawaran na kapag mas madaming tao ang maaari nang lumabas ng tahanan ay maaaring tumaas ng mahigit sa 50,000 ang bilang ng mga aktibong kaso sa bansa pagsapit ng Disyembre.

“Kung ang ating pagiging mas mobile ay sasabayan ng pagbaba ng ating adherence to minimum public health standards, at babagal paghahanap at pag-isolate natin ng kaso, from just 2,100 posibleng umakyat ang mga active cases to 49,000-52,000 as of December 15,” ani De Guzman.

Muling paalala ng health experts sa publiko na iwasan pa rin ang mass gathering at sumunod sa health protocols upang mapigilan ang muling pagdami ng COVID-19 infections sa bansa.

The post Aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, posibleng umabot sa 52K sa Disyembre – DOH appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481