Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

2013 Midterm Elections, generally peaceful ayon sa PNP

$
0
0
Si PNP Spokesperson Generoso Cerbo Jr. kasama ang ilang opisyales ng militar at PNP para sa S.A.F.E 2013 campaign. (FREDERICK ALVIOR / Photoville International)

Si PNP Spokesperson Generoso Cerbo Jr. kasama ang ilang opisyales ng militar at PNP para sa S.A.F.E 2013 campaign. (FREDERICK ALVIOR / Photoville International)

MANILA, Philippines – Mapayapa sa pangkalahatan ang ginanap na halalan sa buong bansa.

Ito ay sa kabila ng mga insidente ng karahasan na nangyari sa ibat-ibang panig ng bansa.

Ayon kay PNP Spokesperson Chief Supt. Generoso Cerbo Jr., kung ang pagbabasehan ay ang  52-million registered voters at  77,829 polling precincts sa buong bansa ay maituturing na nagkaroon tayo ng ligtas at maayos na halalan.

“Kung iba-back draft natin sa laki ng activity na nangyari sa araw na ito ay napaka-successful ng halalan sa araw na ito. Yung ating mga kababayan ay nakita natin na malayang nakagalaw sa kanilang mga polling centers.”

Sinabi pa ni Cerbo na patuloy pa rin ang kanilang pagbabantay hanggang sa maiproklama ang mga nanalong kandidato.

“We are not lowering our guard just yet… Our experience tells us that the canvassing of votes until the official proclamation is the most critical stage in the election process that sometimes lead to unwarranted confrontation between contending parties.”

Umapela naman ang pamunuan ng PNP sa mga kandidato na maging mahinahon at tanggapin nang maayos ang magiging kapalaran sa katatapos lamang na halalan. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481