DAVAO CITY, Philippines – Sa kabila na ideneklara ng Philippine National Police (PNP) na generally peaceful ang eleksyon, may ilan ding insidente ng karahasan na naganap partikular sa katimugang bahagi ng bansa.
Linggo ng gabi nang makadiskubre ang 1st Mechanized Brigade ng isang improvised bomb sa Timbangan Village sa Shariff Aguak, Maguindanao.
Mayroong ding improvised explosive device (IED) ang naiulat na natagpuan sa Poblacion, Shariff Aguak, alas-6 ng umaga ng Lunes na agad namang dinifuse ng mga army bomb expert.
Sa North Cotabato, isang IED naman ang sumabog sa harap ng Pilot Central Elementary School kahapon ng umaga.
Isa naman ang patay habang apat ang sugatan sa naganap na pananambang kahapon sa Sulu kaugnay ng matinding labanan sa pulitika roon.(UNTV News)