Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Working visit ni Pangulong Aquino sa Europa, nagsimula na

$
0
0

Ang pagdating ni Pangulong Benigno Aquino III sa bansang Espanya bilang panimula ng walong araw na working visit sa ilang bansa sa Europa. (MALACANANG PHOTO BUREAU)

MADRID, Spain – Nasa Madrid na si Pangulong Benigno Aquino III bilang simula ng kanyang walong araw na working visit sa ilang bansa sa Europa.

Agad itong nakipag-meeting kay Spain Prime Minister Jose Maria Aznar at sa Madrid fusion.

Matapos nito ay nagtungo naman ang pangulo sa monumento ni Dr. Jose Rizal sa Avenida Islas Filipinas para sa isang wreath laying ceremony kasama ang kanyang delegasyon.

Naging mainit naman ang pagsalubong ng Filipino community kay Pangulong Aquino sa pagdating nito sa Colegio Nuestra Señora De Las Maravillas.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), aabot sa mahigit 40-libong ang mga Pilipinong residente at migrant workers ngayon sa Spain.

Sa kanyang pagharap sa ating mga kababayan, unang pinasalamatan ng Pangulo ang lahat ng mga Pilipino doon na sumuporta sa Team Gilas sa FIBA World Cup.

Iniulat rin ng pangulo ang mga naging pagbabago sa ekonomiya at turismo sa Pilipinas.

“Ito na ang ekonomiya ng Pilipinas ngayon Asia’s rising tiger,..pot at kung ano ano pang papuri nakadugtong sa pangalan natin. Sino po ba ang makakaisip na sa loob ng 3 taon ay hihirangin tayong investment grade status ng tatlong pinakatanyag na grading agency sa buong bundo,” pahayag ni Pangulong Aquino.

“Ang magandang balita pa po, nang mag-umpisa tayo ang bilang ng ating international tourist ay nasa 3.5 million, umangat na po yan sa 4.6 million noong 2013,” saad pa nito.

Ayon pa sa pangulo, malaki na rin ang pagbabago ng Pilipinas pagdating sa imprastraktura.

Ngunit sa kabila nito, palala naman umano ang daloy ng trapiko sa kamaynilaan.

“Sa larangan ng trapiko nagbago na, lalo malala ang trapiko natin ngayon. Yung ating sector ng business processing outsourcing umaabot na ng 500,000 ang mga empleyado. May mga tatlong kompanya na po ang nagbebenta ng sasakyan na pumapalo po ng kalahating milyong piso ang amortization ay 5000 kada buwan so madali napo bilhin to. So yung kalsada po taon ginagawa yung pagbili po ng kotse linggo lang ang pinaguusapan… So paguwi nyo natrapik ho kayo tandaan nyo na lang po itong mga to maraming pinupuntahan di naman ho namasyal kaya nagkatraffic at yan po ay tanda ng sigla ng ating ekonomiya,” anang Pangulo.

Ikinatuwa naman ng ating mga kababayan ang naging ulat ng Pangulo.

“I think the message of President Aquino was really inspiring and something really innovating, for Filipino community,” pahayag ng OFW na si Alejadra Masangkay kaugnay sa talumpati ng Pangulo.

“Kung matutupad yung lahat ng kanyang sinabo sa amin dito, syempre wala po kaming alam dahil nandito po kami sa abroad, natutuwa po kami kung talagang ang Pilipinas ay palaki na ng palaki ang income at umi-improve po tayo,” pahayag naman ng isa pang OFW.

Sa walong araw na working visit ng Pangulong Aquino sa Spain, Belgium, France at Germany, inaasahang mas lalong mapapalakas pa ang diplomatic relation ng Pilipinas at Europa.

Dito rin sasamantalahin ng pangulo ang pagkakataon upang makahikayat pa ng mga negosyanteng mamumuhanan sa bansa upang mas lalong mapalago ang ekonomiya ng Pilipinas. (Rey Tejada / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481