Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

PCG, nakabantay sa posibleng oil spill mula sa lumubog na ferry sa Manila Bay

$
0
0

Ang lumubog na MV Super Shuttle Roro 7 sa Manila Bay nitong Linggo. (Philippine Coast Guard Photo)

MANILA, Philippines – Wala pang nakikitang inidkasyon ng oil spill ang Philippine Coast Guard (PCG) mula sa lumubog na MV Super Shuttle Roro 7 sa Manila Bay nitong Linggo ng gabi.

Ayon kay PCG Spokesperson Cmdr. Armand Balilo, sa oras na bumuti ang lagay ng panahon ay magpapadala ng divers ang coast guard upang makita ang pinsala sa barko.

“Ang babantayan natin dito yung langis na maaring tumagas at saka the same time yung mga barko na dadaan siya hazard to navigation pa.”

Sa kabila ng naturang insidente, ligtas naman ang lahat ng crew ng lumubog na barko.

Tatlo sa 15 crew ng RoRo vessel ang nakauwi na sa kanilang bahay dahil wala namang tinamong pinsala sa katawan, habang dinala naman sa Coast Guard Medical Service ang iba pa.

Ayon sa PCG, pito sa mga crew ng lumubog na barko ang nailigtas nila sakay ng isang life raft malapit sa US embassy, ang 7 ay lumangoy patungong Quirino Grandstand na nakahawak lang sa mga floating debris, habang isa naman ang nailigtas ng isang sasakyang pandagat.

Sa ngayon ay sinisimulan na rin ang koordinasyon upang maialis ang barko sa lugar.

Samantala, patuloy pa rin ang search and rescue operations ng Philippine Coast Guard katuwang ang Philippine Navy at Philippine Air Force sa tatlo pang pasaherong nawawala mula sa lumubog na Maharlika II sa Southern Leyte.

Ayon sa PCG, nakausap na rin nila ang kapitan ng barko at ilan sa mga pasahero bilang bahagi ng ginagawang pangangalap ng impormasyon subalit magsisimula ang pormal na imbestigasyon kapag natapos na ang paghahanap sa mga nawawalang pasahero.

Sinabi ni Balilo na sa ngayon ay may nakita nang pagkakamali ang PCG dahil sa mahigit 100 nailigtas mula sa barko, gayong nasa 50 lang ang nasa manifesto.

“Yung discrepancy sa manifest may order na si Vice Admiral Isorena na isama sa imbestigasyon kung bakit hindi siya inilagay sa manifesto lahat bagama’t yung pronouncement nung kapitan yung mga drivers at mga pahinante ay hindi sinama kaya nagkaroon ng discrepancy. Ganunpaman ayon sa regulasyon ng MARINA dapat lahat yun ay nadoon sa manifesto.”

Mula Liloan sa Leyte patungo sanang Lipata sa Surigao ang RoRo passenger vessel. (Victor Cosare / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481