Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

AFP, wala pang malinaw na pahayag hinggil sa balitang recruitment ng ISIS sa Pilipinas

$
0
0

FILE PHOTO: Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) terrorists (REUTERS)

MANILA, Philippines – Wala pang malinaw na pahayag ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa isyu ng recruitment ng mga teroristang Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa Pilipinas, kahit sinasabing 2006 pa unang nakapasok ang grupo sa bansa.

Ang isang malinaw na patotoo ay ang itim na bandila ng mga ito na ginagamit din ng mga rebeldeng grupo sa Mindanao tulad ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at Abu Sayyaf.

Ayon kay AFP Spokesperson Maj. Gen. Domingo Tutaan, patuloy pa ang ginagawang beripikasyon ng kanilang mga tauhan hinggil sa naturang isyu.

“The information na alleged Filipino youth who are send to the ISIS right now is continuously being verified by the Armed Forces of the Philippines in order that we may be able to validate this information,” anang opisyal.

Sinabi pa nito na hindi nila ipinagwawalang-bahala ang nasabing balita.

Aniya, “The Chief of Staff Armed Forces of the Philippines Gen. Gregorio Pio Catapang Jr. has already directed our troops on the ground in Mindanao to look into this and validate the info that come out.”

Maging ang Department of Foreign Affairs (DFA) ay tumutulong na rin sa pagberipika ng mga ulat na may ilang Filipino-Muslim na nagpunta sa Syria at Iraq at nanghihikayat ng social reform sa ilan nilang mga kasama at miyembro.

Kaugnay nito ay agad na pinakilos ng pamunuan ng AFP ang kanilang mga tauhan upang malaman ang katotohanan sa balitang recruitment ng ISIS sa Mindanao.

“We are not totally discounting, dismissing nor contradicting the reports that came out simply because we want to validate everything,” saad pa ni Tutaan.

Maging si US Ambassador to the Philippines Philip Goldberg ay nagpahayag ng pagtulong sa monitoring ng recruitment ng ISIS sa Pilipinas.

Nauna nang sinabi dating presidente Fidel V. Ramos na may 100 Pilipino na ang nagsasagawa ng training sa Syria upang maging miyembro ng nasabing grupo. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481