Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Malacañang, tiniyak na hindi aabusuhin ang kapangyarihang ibibigay ng Kongreso kay Pangulong Aquino

$
0
0

Presidential Spokesman Edwin Lacierda (UNTV News)

MANILA, Philippines – Ipauubaya na lamang ng Malacañang kay Department of Energy (DOE) Secretary Jerico Petilla ang pagdidetalye sa dalawang kapulungan ng kongreso ang hinihinging joint resolution ni Pangulong Benigno Aquino III upang masolusyunan ang nakaambang power shortage sa 2015.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na ang dagdag na kapangyarihan na hihingin ng Pangulo ay magiging limitado lamang sa isinasaad ng power crisis provision ng EPIRA Law at walang anumang kaugnayan sa isyu ng term extension.

“The powers invoke here are based on Section 71 of the EPIRA and provisions are very clear and it is limited to only during the period of time where we anticipate a possible shortage come next 2015.”

Tiniyak rin ng Malacañang na hindi maaabuso ang kapangyarihang ibibigay ng kongreso kay Pangulong Aquino.

“Concern natin yan of course we will make sure that pag-aaralan po ng Senado rin yan at ng house saka ni Secretary Petilla na the use of, kung ano ang gagamiting measures eh dapat yun po ay kung ano angbabayaran yun lang ang gagamitin,” saad pa ni Lacierda. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481