Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga finalist at interpreter, puspusan na ang paghahanda para sa A Song of Praise Year 3 finals

$
0
0

ASOP Grand Finals Year 3 presscon (Rodel Lumiares / Photoville International)

QUEZON CITY, Philippines — Hindi na maitago ang excitement na nararamdaman ng mga finalist at intepreter na sasabak bukas sa A Song of Praise Year 3 finals na gaganapin sa Smart-Araneta Coliseum ngayong Martes.

Sa ginanap na press conference, ipinahayag ng ilang composer at interpreter ang kanilang puspusang paghahanda para sa grand finals ngayong Martes ng gabi.

Para sa aktres na si Ms. Rachel Alejandro, isang malaking oportunidad para sa kanya na muling makapag-interpret ng isang awitin  lalo’t isang uri ito ng papuring awit sa Dios.

“It’s been many years na rin since the last time na nahilingan ako na mag-interpret ako sa isang songwriting competition,” ani Ms. Rachel Alejandro na mag-iinterpret para sa awiting “Tanging Gabay” na likha ni Arniel Villagonza.

Magkahalong excitement at kaba naman ang nararamdaman ng freestyle vocalist na si Ava Santos dahil ito ang unang pagkakataon na makakaawit ito sa Araneta Coliseum.

“For me, isa sa mga blessings ng (kung pwede kong tawagin, kung mamarapatin nyo pong tawaging) carreer ko dahil ito po ang first time ko na makakanta sa Araneta,” pahayag ni Santos na kakanta ng awiting likha ni Lilet Cruz na “You Are Lord of All.”

Bukod kina Rachel Alejandro at Ava Santos puspusan na rin ang paghahanda ng iba pang mga interpreter kabilang na sina Mcoy Fundales, Gail Blanco, Shanne Velasco, Bayang Barrios, Beverly Caimen, Darryl Ong at marami pang iba.

Itinuturing namang isang blessing ng composer na si Lilet ang pagkakapili ng kanyang awitin bilang finalists sa ASOP Year 3.

Ayon kay Lilet, manalo man o matalo sa kompetisyon ang mahalaga pa rin na magpasalamat sa Dios sa talentong ipinagkaloob ang bawat participants na naging bahagi ng ASOP.

“Ito ay magandang opportunity para makapag-minister din sa mga manonood sa Araneta at sa mga manonood sa TV to share about the Lord,” anang composer ng “You Are Lord of All” na si Ms. Lilet Cruz.

Abangan  ang kapanapanabik na A Song of Praise Music Festival Year 3 Grandfinals, ala syete ng gabi ngayong Martes sa Smart Araneta. (Joan Nano, UNTV News)

(Left-Right) Sina Ms. Lilet Cruz at Rachel Alejandro na kapwa nagpahayag ng pagpapasalamat sa pagiging bahagi ng A Song of Praise Music Festival Year 3. (Rodel Lumiares / Photoville International)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481