Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Isang motorcycle accident sa Iloilo City, nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0

Ang paglalapat ng pang-unang lunas o first aid sa isang biktima ng motorcycle accident sa Iloilo nitong Martes ng madaling araw. (UNTV News)

ILOILO CITY, Philippines – Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang isang motorcycle accident sa Iloilo City nitong madaling araw ng Martes.

Nagtamo ng mga sugat sa mukha at sa iba’t ibang panig katawan ang biktimang si Rogelio Adio Jr., 27 anyos, nakatira sa Brgy. 15 sa bayan ng San Miguel sa nasabing lungsod matapos mabangga ang isa pang motorsiklo na nasa kanyang umahan.

Ayon sa driver ng nabanggang motorsiklo na si Rossini Sillonar, nauna siya sa biktima sakay ng kanyang motorsiklo at nagulat siya ng biglang bumangga sa kanyang likuran ang motorsiklo ni Adio.

Agad namang nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang biktima at mabilis na isinugod sa emergency room ng Western Visayas Hospital. (Reynante Ponte / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481