LEGASPI CITY, Philippines – Bahagya ngayong bumaba ang volcanic activity ng Bulkang Mayon kumpara sa mga nagdaang araw.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), walang naitalang volcanic quakes at crater glows simula alas-8 ng umaga nitong Martes hanggang kaninang umaga, Miyerkules.
Gayunpaman, sinabi ng PHIVOLCS na posible pa ring sumabog ang bulkan sa mga susunod na linggo.
Sa kasalukuyan ay nakataas pa rin sa alert level 3 ang Bulkang Mayon sa lalawigan ng Albay. (UNTV News)