LEGASPI CITY, Philippines – Natagpuan na ang bangkay ng 57 anyos na si Ginang Josefina Gravita na umakyat ng Bulkan Mayon sa Albay.
Ayon sa panganay na anak nito na si Joseph Gravita, naamoy ng kanyang pamangking lalaki ang mabahong amoy na umalingasaw sa unahan ng kanilang bahay kung saan natagpuan ang mga labi ni Aling Josefina.
Posible umanong namatay sa gutom at pagod ang matanda na may problema umano sa pag-iisip habang papaakyat ng bulkan.
Samantala, muling nakapagtala ng 2 rock fall events, 2 volcanic earthquakes habang nanatili sa 1421 ang sulfur dioxide na ibinubuga ng Bulkan Mayon batay sa bulletin na ipinalabas ng PHIVOLCS. (Allan Manansala / Ruth Navales, UNTV News)