Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Panibagong PDAF scam whistleblower, tumestigo laban kay Sen. Bong Revilla

$
0
0
Ang bagong PDAF scam whistleblower na si Mary Arlene Baltazar na dati ring nagtratrabaho kay Janet Lim Napoles. (UNTV News)

Ang bagong PDAF scam whistleblower na si Mary Arlene Baltazar na dati ring nagtratrabaho kay Janet Lim Napoles. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Nagmistulang family reunion ang bail hearing ni Senator Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. sa Sandiganbayan, Huwebes.

Ito ay sapagkat kaarawan  ng senador at kasama nitong dumalo sa pagdinig ang kanyang asawa at anak.

Sa entrance ng Sandiganbayan, may listahan ng mga guest ni Revilla na inaasahang dadalo sa nasabing bail hearing.

Dumating din ang mga tagasuporta ng senador na ang ilan ay galing pa ng Bacoor, Cavite.

Hindi na tinapos ng senador ang pagdinig dahil magkakaroon ng maliit na selebrasyon ang kanyang pamilya sa kanyang detention facility sa PNP Custodial Center.

Inihayag rin ng senador sa media ang kanyang wish sa kanyang kaarawan.

“Inaantay ko iyong araw na makuha ko iyong bail at makalabas tayo,” saad nito.

May panawagan rin ito kay Pangulong Benigno Aquino III.

“Mayroon pa siyang 614 days to be exact bilang pangulo ng ating bansa. sa 614 days na iyan ipakita niya ang tunay na pagmamalasakit sa ating mga kababayan at hindi lang focused doon sa mga kalaban.”

Inihayag rin ng senador na mabuti ang kundisyon nito sa PNP Custodial Center, at maraming oras ang nagugugol sa kaniyang pamilya at sarili.

Sa kabila nito ay madalas pa rin daw makaramdam ng sakit ng ulo ang si Revilla.

“Probably we will ask the court na bigyan siya ng pagkakataon na magpa-MRI kasi matagal na rin po siyang hindi nagpapa-executive check-up,” pahayag ng maybahay ng senador na si Bacoor Rep. Lani Mercado-Revilla.

Samantala, nagprisinta ng bagong testigo ang prosekusyon sa bail hearing ng senador.Humarap sa korte si PDAF scam whistleblower Mary Arlene Baltazar na dati ring emplayado ni Janet Lim Napoles.

Ayon sa kampo ng senador, walang naiprisintang bago ang mga testigo.

Ayon kay Atty. Joel Bodegon, abogado ni Revilla, “Actually iyong mga testigo nila eh puro corroborative witnesses lang iyan eh.”

Samantala, mananatiling suspendido si Sen. Bong Revilla Jr. matapos hindi pagbigyan ng korte ang kanyang apela dahil sa kakulangan ng merito. (Joyce Balancio / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481