MANILA, Philippines — Sinusuportahan ng Department of National Defense ang pagsisimula ng Kongreso na talakayin ang Bangsamoro Basic Law o BBL na layuning tuldukan na ang kaguluhan sa Mindanao.
Ayon kay DND Secretary Voltaire Gazmin, layon nitong matigil na ang sagupaan sa pagitan ng mga rebeldeng grupo at Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Sa pamamagitan nito mas makatututok na ang Armed Forces of the Philippines sa ibang mahahalagang bagay para sa kapakanan ng mamamayan oras na maisabatas ang BBL.
Nguni’t pinangangambahan ni Secretary Gazmin na kapag hindi naisabatas ang BBL mas malaking kaguluhan ang mangyayari sa Mindanao.
Sec. Voltaire Gazmin, “Your honor, we see a much bigger conflict other than what we have experienced already because of the perception that they were decieved by the government.”
Ayon kay Senador Legarda, sisikapin ng Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso na maipasa ang BBL bago matapos ang 2016.
“Congress will try to finished it soon or before the end of administration. It could exacerbate the present internal conflicts in some areas of Mindanao?
Sec. Voltaire Gazmin, “That’s what we feel your honor the Bangsamoro Basic Law is meant to really uplift the lives of brothers in the area.”
Sinabi rin ni Sec. Gazmin, ang BBL ay layuning ang magkaroon ng development sa Mindanao at paunlarin ang pamumuhay ng mga mamamayan kung matatamo ang tunay na kapayapaan.
Samantala ipinahayag ni Gazmin na wala pa silang impormasyon na may presensya ng Islamic State in Iraq and Syria sa bansa.
Hindi rin kumpirmado ang naglalabasang balita na may recruitment na nangyayari.
Ngunit hindi nila isinasawalang bahala ang isyu at patuloy na pagbabantay.
“We can’t say, your honor, because of the lack of information, that we do not have correct information. But we do take this threat very seriously,” ani Gazmin.
Dagdag naman ni AFP Chief of Staff Gen. Gregorio Catapang Jr., “ Yung ISIS is in the Middle East, so we just continously monitoring what’s happening in the Middle East, in Iraq and Syria.”
Ayon pa kay General Catapang, itinuturing nilang banta sa bansa ang ISIS kaya’t nagdagdag ang AFP ng 1 brigade o tropa ng mga sundalo sa Mindanao partikula sa Zamboanga, Basilan, Sulu at Tawi-tawi. (BRYAN DE PAZ, UNTV News)