Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Ex-House Speaker Prospero Nograles at 2 kongresista, nahaharap sa reklamong malversation of public funds at misuse of PDAF

$
0
0

FILE PHOTO: Former House Speaker Prospero Nograles (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Malversion of public funds at misuse of PDAF.  Ito ang reklamong inihain ng mga imbestigador mula sa Office of the Ombudsman kay dating House Speaker Prospero Nograles dahil sa umano’y maanomalyang paggamit ng kanyang PDAF.

July 2013 nang ipag-utos ni Ombudsman Conchita Corpio Morales ang pag-iimbestiga sa pork barrel scam na isinasangkot ang ilang senador at kongregrista.

Ilan sa nakitaan ng anomalya ang mahigit 47.5 million pesos na PDAF ni dating Speaker Prospero Nograles na siyang pumalit bilang Representative ng 1st District ng Misamis Oriental nang mamatay ang congressman ng naturang lugar.

Sa imbestigasyon ng Ombudsman sa taong 2007-2009, may inilagay na PDAF si Nograles sa NGO na kabuhayan at kalusugan alay sa Masa Foundation Inc. para sa mahigit isang libong beneficiaries ng livelihood training services.

Ngunit nang iberipika ng ahensya, itinanggi ng mga nasabing beneficiaries na nakadalo sila sa kahit anong training service o nakapirma bilang beneficiaries ng kahit anong proyekto ng nasabing NGO.

Isa rin sa mga pinaglagyan umano ng PDAF ni Nograles ay ang buhay mo Mahal Mo Foundation noong 2009. Ngunit ayon sa dokumento ng Securities and Exchange Commission na-revoke ang registration ng nasabing ngo taong 2005 dahil sa kakulangan ng requirements.

Maliban kay Nograles humaharap din sa reklamong malversion of public funds ang 2 pang dating kongresista na si Thomas Dumpit Jr. ng 1st district ng La Union at Candido Pancrudo Jr. ng 1st district ng Bukidnon.

Damay din sa reklamo ang dating Department of Agriculture Secretary Arthur Yap dahil sa paggamit umano ng mga kongresista sa DA bilang implementing agency.

Sinubukan naman kuhanan ng pahayag si Yap pero tumanggi itong magbigay ng kumento dahil hindi pa umano nakakatanggap ng kopya ng nasabing reklamo.

Kung susuriin ang reklamong inihain kina Nograles at iba pang mga dating kongresista, magkapareho lamang ang ilan sa mga implementing agency na sangkot din sa 10 billion pork barrel scam. Ang pagkakaiba lang, walang Janet Lim Napoles o JLN Corporation na nagsilbing middleman sa mga naging transaksyon. (JOYCE BALANCIO / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481