HONG KONG — Sa ika-anim na araw ng nagaganap na umbrella revolution dito sa Hong Kong ngayong Biyernes.
Hindi ininda ng mga nagproprotesta dito ang malakas na hangin at ulan nitong alas dos ng hapon.
Ang mga daan sa paligid ng Hong Kong Central Government Offices ay patuloy pa rin na ino-okupa ng mga nagproprotesta sa kabila ng panawagan ng ilan sa magkabilang panig na umpisahan na ang dyalogo para sa resolution ng sitwasyon dito. Mula kahapon ay sinabi ng gobyerno ng hong kong na ito ay bukas ng makipagusap sa mga nagproprotesta.
Ito naman ang tugon ng Executive Council Convenor na si Benny Tai sa panawagang ito.
“We will have to create the maximum room for the dialogue, and we will look at the process of dialogue and also what can come out of dialogue before we can have any further decisions.”
“I think that we have been talking for so long that we are, we joined with the scholars and the federation of students in facilitating the occupy movement and also facilitating a solution to be arrived at.”
Ilang beses naging tensionado ang sitwasyon sa pagitan ng mga nagproprotesta at mga pulis na nakabantay sa government compound. Kaya naman minabuti ng mga namumuno dito sa kilos protesta na ipaalala sa lahat na ito ay isang non-violent protest.
Samantala, mariin namang kinondena ng HK police sa kanilang website ang ginagawa ng mga protesters dahil ito raw ay nagdudulot ng abala sa karamihan.
Ngayon ay humupa na hindi lamang ang tensyon ngunit pati ang ulan at nagbalikan na ang ilan sa mga nagproprotesta sa kanilang mga pwesto hinihintay pa rin ang katuparan ng kanilang mga hinihinging pagbabago sa gobyerno ng Hong Kong at ng China. (REGIE TONGOL / UNTV News)