MANILA, Philipines — Hindi pinalampas ng Senado ang nangyaring problema sa riles ng MRT nitong Martes.
Agad inalam nis Senate Committee on Finance Chairman Chiz Escudero, kung ano ang dahilanng aberya.
Ayon sa DOTC, putol na riles na ang dahilan nito.
Sa ngayon ay may mga short term solution na ginagawa ang MRT tuwing nagkakaaberya ang tren ngunit isinusulong nila ang pagkakaroon ng supplemental budget na popondo sa pagpapalit 6 kilometer na riles ng MRT.
Pahayag ni MRT 3 OIC Director Renato San Jose, “ 2 things po ang ginagawa natin Mr. Senator, una po yung pang araw araw na kung may rail breakage yung partikular na riles na may putol tatanggalin po. ( Sen. Chiz: Tapal, lang yun?) Tapal po yun. Itong gagawin natin by 2014: Bukas po magsisimula ang bid nito 119 million. Ito’y para sa pang-malawakang yung re-blocking. Ito (ay) 6000 linear meters.”
Ani Sec. Joseph Emilio Abaya, “It’s something na dapat iniiwasan at kung maaaring di dapat mangyari but may quick solutions agad yan ng MRT 3. Si OIC San Jose can explain it. We have budget in supplemental and likewise, we looking on around 119 million for the replacement of around 6 kilometers of rail.”
Samantala, pinabulaanan naman ni Secretary Abaya na pirma na lang niya ang kulang upang maipatupad ang taas pasahe sa LRT at MRT bago mag-holiday break sa Disyembre.
Paliwanag ng kalihim malabo itong maipatupad ngayong Oktubre.
Hindi rin ito ang dahilan upang maresolba ang mga problema sa MRT at LRT.
Ani Sec. Joseph Abaya, “Hindi. Hindi siguro, na misquote o maling ano… Ang malinaw po diyan sa MRT at LRT dumaan sa proseso na may public consultations. However isa itong bagay na dinidicuss sa economic development clusters hindi ito basta desisyon lamang ng DOTC dahil malawakan ang effect nito.”
Ayon sa DOTC, 2011 pa ang proposal na fare hike ng MRT at para sa kalihim napapanahon ng ipatupad ang naturang panukala.
Sinabi ni Abaya na apat na bilyong piso ang subsidiya ng pamahalaan taon-taon para sa MRT 3 at LRT na nagmumula sa buwis ng mamamayan sa Luzon, Visayas at Mindanao.
“Sa akin noon matagal ng itinutulak, I think napapanahon din.It will be an average person taken an average trip. It would be 5 pesos increase.”
Ayon pa kay Secretary Abaya, malawak ang epekto ng taas pasahe sa LRT at MRT at wala pang green light o abiso mula sa economic development clusters na ituloy na ito ngayong Disyembre.
Nakahanda naman ang kalihim na magkaroon muna ng shutdown sa MRT kung malalagay naman sa peligro ang kaligtasan ng mga pasahero kung di masosolusyunan ang mga aberya. (BRYAN DE PAZ / UNTV News)