Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Singil sa kuryente, tataas ng 10 centavos ngayong Oktubre — MERALCO

$
0
0

Meralco electricity rate increase for October 2014

MANILA, Philippines — Tataas ng sampung sentimo kada kilowatt hour ang singil sa kuryente ngayong Oktubre ayon sa Manila Electric Company o Meralco.

Ibig sabihin, kung ang isang kosumer ay kumokunsumo ng two hundred kilowatt per hour kada buwan, madadagdagan ng bente pesos ang singil sa kuryente.

Ayon sa Meralco, ang  pagtaas ay bunsod ng limang araw na Malampaya restriction na nagresulta upang ang Sta. Rita at San Lorenzo power plants ay gumamit ng mas mahal na liquid fuel sa halip na natural gas.

Ani Meralco Spokesperson Joe Zaldariaga, “This resulted in higher generation cost from these powerplants, the restriction likewise reduce the dispatch of the Ilijan power plant during September supply.”

Malaki rin ang naging epekto ng pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar ngayong buwan sa pagtaas ng generation charge ng kuryente.

“Marami sa gastos ng ating mga suppliers IPPS, PSA ay dollar denominated. Ang costs nila ay in dollar, kaya tuwing nagde-depriciate o appreciate ang peso vs dollar meron yung impact sa cost of generation,” ani Meralco Utility and Economics Head Larry Fernandez.

Samantala, ibinalita rin ng Meralco na posible pang madagdagan ang mga kumpanya na lalahok sa interruptible program o ILP sa mga susunod na linggo.

Sa pamamagitan nito, naniniwala ang Meralco na malaking tulong ito upang masolusyunan ang power shortage na posibleng maranasan ng bansa sa susunod na taon.

As of October 07, 2014, mayroon ng one hundred forty megawatts na nag-commit sa interruptible load program.

Sa ngayon ay patuloy ang transaksyon ng Meralco sa iba pang mga kumpanyang lalahok sa ILP at posible pa itong madagdagan ng 66 megawatts sa mga susunod na linggo.

Kabilang sa mga posibleng lumahok ang Megaworld Group,  Philippine Stock Exchange sa Ortigas, Filinvest at Philam properties.

Target ng Meralco na makalikom ng Three Hundred Eighty hanggang 400 megawatts hanggang sa susunod na taon  bilang tugon sa  naka-ambang power shortage. (JOAN NANO / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481