Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Kampo ni VP Binay, nanindigang hindi nararapat humarap ang bise presidente sa anila ay politically-motivated na pagdinig

$
0
0

FILE PHOTO: Vice President Jejomar Binay (UNTV News)

MANILA, Philippines — Bagamat nalulungkot, handang sagutin ni Vice President Jejomar Binay ang mga bagong akusasyong ibinabato sa kanya ni dating Makati City Vice Mayor Ernesto Mercado. Subalit hindi niya ito gagawin sa Senado.

Ito ay sa kabila ng muling pag-imbita sa kanya ng Senate Blue Ribbon Subcommittee na tumestigo sa susunod na pagdinig hinggil sa umano’y mga overpriced na proyekto sa Makati City sa Oktubre 23.

Ayon sa kampo ng mga Binay, hindi bibigyang dignidad ng bise presidente ang kanyang mga detractor, kabilang na ang mga Senador na nagsasagawa ng pagdinig, na aniya’y politically-motivated.

Pahayag ni Atty. JV Bautista, United Nationalist Alliance (UNA) Interim Secretary, “Sino po ang gaganahang humarap sa ganyang klaseng palabas noh? Kontrolado ng senators. Sila lang pwedeng magtanong at huminto sa iyo pag ayaw na nila ng sagot mo…”

Sang-ayon naman ang isang batikang abogado sa desisyong ito ni Binay.

Pahayag ni Atty. George Erwin Garcia, “Kung iinsist pa na ipatawag ang bise presidente, baka ang purpose ay hindi na legislation, baka prosec o mapahiya ang VP. Kung ganun, mukhang hindi na nararapat na mag-appear pa ang VP sa Senado. Tutal may kaso na sa Ombudsman”.

Subalit ayon kay Atty. Garcia, kailangan pa ring sagutin punto por punto ni Vice President Binay ang lahat ng mga akusasyong ibinabato sa kanya.

Naniniwala si Atty. Garcia na hindi sapat ang ordinaryong talumpati lamang upang depensahan nito ang sarili.

Kailangang dumaan sa matinding tanungan ng media ang bise presidente, katulad na lamang ng ginagawa ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sinabi ni Garcia na malilinis pa ni Binay ang kanyang reputasyon at pangalan kung sasagutin nito ang mga alegasyon laban sa kanya sa lalong madaling panahon.

Inihalimbawa din nito ang nangyari kay Philippine National Police Chief Director General Alan Purisima na nawala sa sirkulasyon at pinatagal pa bago sagutin ang mga alegasyong ibinabato sa kanya kaugnay ng umano’y ill-gotten wealth.

“Dapat habang maaga pa, mainit pa ang issue, sagutin mo na. Pagpinatagal mo pa, iwas ka nang iwas, ang dating sa tao, guilty ka. That’s human nature,” paliwanag ni Atty. George Garcia.

Dagdag pa ni Atty. Garcia, maging ang iba pang opisyal ng pamahalaan na nahaharap sa mga kahalintulad na akusasyon ay dapat nang magsalita sa taumbayan. (Bianca Dava / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481