Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

MCGI at UNTV, binigyang pagkilala ng embahada ng Pilipinas sa Brazil

$
0
0
Tumanggap ng pagkilala ng embahada ng Pilipinas sa Brazil ang grupong MCGI at UNTV (Your Public Service Channel) dahil sa palagian nitong pagsuporta sa mga proyekto ng embahada (UNTV News)

Tumanggap ng pagkilala ng Philppine Embassy sa Brazil ang grupong MCGI at UNTV (Your Public Service Channel) dahil sa palagian nitong pagsuporta sa mga proyekto ng embahada. (UNTV News)

SÃO PAULO, BRAZIL – Ginawaran ng pagkilala ng embahada ng Pilipinas sa Brazil ang grupong Members Church of God International (MCGI) at UNTV (Your Public Service Channel) dahil sa palagian nitong pagsuporta sa mga proyekto ng embahada.

Ayon kay Philippine Ambassador to Brazil Eva G. Betita, nagging katuwang ng embahada ang MCGI at UNTV upang maabot ang ating mga kababayan sa South America.

“Ang MCGI o Ang Dating Daan ay malaking tulong sa embahada, dahil sa laganap ang inyong outreach sa lugar na ito which is seldomly reach by our people.”

Dagdag pa nito, “Ang UNTV, with your help we are able to provide to many people as much as possible our consular services that we have here at the embassy.”

Nagpapasalamat rin ang embahada dahil sa pagtulong ng grupo upang makapagparehistro ang mga kababayan natin kaugnay sa isasagawang national election sa susunod na taon.

“Sa tulong ninyo, ilang daan,daan mga kababayan natin ang naparehistro upang makaboto sa susunod na national election.”

Hindi lamang mga kapwa Pilipino ang naaabot ng public services ng MCGI at UNTV, kundi maging ang mga taga-south America.

Kabilang dito ang mga programang pagdalaw sa mga matatanda at bloodletting activities.

Nakiisa rin ang grupo sa pagsasaayos at pagpapaganda ng ilang bahagi ng opisina ng ating embahada sa Brasil.

“To Brother Eli and Brother Daniel, natutuwa po kami sa inyong ginagawa sana po ay pagpalain kayo ng maykapal at nang maipagpatuloy nyo pa ang magandang gawain ninyo. To both of you, we wish you all the best on behalf of the officers and staff of Philippine embassy to Brazil,” pasasalamat pa ni Ambassador Betita. (Dave Tirao / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481