Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Embahada ng Pilipinas sa Chile, inanyayahan ang mga Pilipino na bisitahin ang bansa

$
0
0
Ang Philippine Embassy sa bansang Chile. (UNTV News)

Ang Philippine Embassy sa bansang Chile. (UNTV News)

CHILE — Sa pakikipanayam ng UNTV News, inanyayahan ng Philippine ambassador sa Chile ang mga Pilipino na pumasyal upang makita ang kangandahan ng bansa.

Siniguro ni Ambassador Maria Consuelo Puyat-Reyes, bagaman may kahabaan ang biyahe tiyak namang sulit ang biyahe ng mga Pilipinong turista.

“Filipinos have been coming… have seen how beautiful Chile is… you can have 4 seasons in one day… we have the best sporting for skiing… ang iba sa kanila, temporary migrants. Meron naman, religious missionaries that they have come to help. We have also domestic helpers,” pagmamalaki ni  Ambasador Reyes.

Layunin din ng paanyaya ng embahador na lalo pang mapagtibay ang relasyon ng mga Chilean at mga Filipino community dito.

“He is Roy Betinol, he works here in Chile by an American firm. He is the president of this group and he gives us monthly luncheons and this is where we keep all these Dilipinos,” salaysay ng ambassador.

Ayon  pa sa embahador, bukas ang kanilang pinto sa lahat ng oras para sa Pinoy na nais magtrabaho sa Chile.

Isa sa pangunahing proyekto ni Chilean President Michelle Bachelet na makapagbukas ng libo-libong trabaho sa kanyang bansa hindi lamang para sa mga Chilean kundi maging sa mga banyaga. (FRED  CABANILLA / UNTV News)

Ang pagbisita ng UNTV-Chile News Team sa kay Ambassador Maria Consuelo Puyat-Reyes sa Philippine Embassy sa Chile. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481