Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Bureau of Immigration, kailangan na ang Advance Passenger Information System dahil sa banta ng Ebola virus

$
0
0

Bureau of Immigration Commissioner Siegfred Mison (UNTV News)

MANILA, Philippines — Sa pinakahuling tala ng World Health Organization umakyat na sa 4,447 ang nasawi dahil sa Ebola virus.

Pinakamarami sa Liberia, Sierra Leone at Guniea sa Africa. Nakapagtala na rin ng Ebola cases sa United States of America, Spain, Germany, Norway, France at United Kingdom.

Sa Pilipinas ay patuloy ang mahigpit na pagbabantay ng mga otoridad upang hindi makapasok sa bansa ang nakamamatay na virus.

Ang Bureau of Immigration (BI) na isa sa mga nagbabantay sa mga port of entry ng bansa, iginiit ang kahalagahan na magkaroon na ng Advance Passenger Information System (APIS) dahil sa banta ng Ebola virus.

Ang APIS ay isang sistema na makukuha ng advance ng immigration bureau ang impormasyon ng mga paparating na pasahero sa Pilipinas.

Sa kasalukuyang proseso, pagdating pa lamang ng eroplano sa paliparan makukuha ang impormasyon ng isang pasahero.

“Kung hindi advance ang pagbibigay ng passenger information lalabas doon lang sa counter namin nalalaman,” ani BI Commissioner Siegfred Mison.

“Ito bang taong ito ay posibleng may problema sa health, may Ebola, MERS-CoV or whatever. Marami, marami talagang maitutulong if we can get passenger information in advance,” dagdag nito.

Kasama sa matutukoy ng APIS ang travel history ng pasahero o kung saang mga bansa ito nanggaling.

Sa ilalim ng panukalang nakahain sa kongreso upang imodernize ang immigration law, nakapaloob ang pagbili ng APIS.

Ngunit dahil matagal bago maisabatas ang isang panukala, ayon kay Commissioner Mison, maaring maglabas ng  order ang Department of Transportation and Communication sa pamamagitan ng executive order mula sa Office of the President na oobliga sa mga airline company na maagang ibigay sa BI ang impormasyon ng mga pasahero na patungong Pilipinas.

“Cost nga natin diyan is about 18m a year which to us, ok lang mag-incur ng ganoong expense kaysa naman na mahirapan tayo mag-proseso ng mga pasahero. Malusutan tayo ng bad guy, mas maganda na gumastos tayo,” pahayag ni Commisioner Mison.

Ayon kay Mison, 60-70% na ng mga bansa sa buong mundo ang gumagamit na ng advance information system at sa Asian countries, 2 o 3 bansa na lang ang wala nito.

Bukod sa Ebola, kasama sa pinaghahandaan ng BI ang APEC Summit sa susunod na taon na sa Disyembre ay dadating na unang batch ng mga delegado. (Victor Cosare, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481