Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Hideout ng mga kriminal sa Caloocan, pinasok ng mga pulis

$
0
0

Ang pagkakadakip sa mga suspek na may mga kasong kidnapping; gun for hire, carnapping,
robbery at drugs sa North Caloocan. (UNTV News)

CALOOCAN CITY, Philippines – Pinasok ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police – Criminal Investigation & Detection Group, Anti- Kidnapping Group, Highway Patrol Group, Special Action Force at mga tauhan ng Northern Police District ang umano’y hideout ng mga kriminal sa North Caloocan.

Ayon kay CIDG Chief P/Dir. Benjamin Magalong, sampung search warrant at tatlong warant of arrest ang inihain sa Tala Group na nagkukuta sa Barangay 118, Tala, North Caloocan.

Ang mga suspek ay may mga kasong kidnapping; gun for hire, carnapping, robbery at drugs.

“Isa ito sa mga lungga dahil secure sila eh fortress nila kasi nakabakod yung paligid, controlled nila yun area,” pahayag ni P/Sr Supt. Roberto Fajardo ng Anti-Kidnapping Group.

“Ang target namin identified na armed robbery sa drugs at gun for hire,” saad ni Magalong.

Bagama’t bigo na maaresto ang lider ng grupo, tatlo naman sa mga tauhan nito at dalawang menor de edad ang nasakote ng pulisya.

Kinilala ang mga ito na sina Kharil Angni, Ernesto Glema, at Leonardo Dela Torre.

“Ang importante maramdaman nila na mainit sila dito sa CAMANAVA, so tuloy-tuloy ang operation natin,” pahayag ng hepe ng NPD na si P/CSupt. Jonathan Miano.

Nakakumpiska rin ang raiding team ng ilang sachet ng shabu, M16 riffle, 2 kalibre-45 na baril, 5 two way radio, 10 motorsiklo na ang dalawa dito ay kumpirmadong nakaalarma sa Highway Patrol Group (HPG), at cash money na nagkakahalaga ng P1.3 milyon.

Ang mga suspek ay kakasuhan ng illegal possession of firearms at paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Drugs Act of 2002).

Ibibigay naman ng mga otoridad sa DSWD ang dalawang menor de edad.

Noong unang bahagi ng taon ay dalawang ahente ng NBI ang nasawi matapos pasukin ang pugad ng mga kriminal. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481