Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Draft joint resolution sa dagdag kapangyarihan ng Pangulo, ihahain na sa Kongreso bago magbukas ang sesyon sa Lunes

$
0
0
FILE PHOTO: House Speaker Feliciano Sonny Belmonte Jr. (UNTV News)

FILE PHOTO: House Speaker Feliciano ‘Sonny’ Belmonte Jr. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Sa pagbubukas ng sesyon ng Kongreso sa Lunes ay sisikapin ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr na makapaglabas na ng draft joint resolution kaugnay sa hiling ng palasyo na dagdag kapangyarihan ng pangulo kaugnay sa nakaambang power crisis sa susunod na taon.

Ayon kay Belmonte, lumabas sa serye ng ginawa nilang pagpupulong na ang Interruptible Load Program (ILP) ang unang opsyon.

Sa pamamagitan ng sistemang ito, pagaganahin muna ng mga malalaking kumpanya ang kanilang generator tuwing peek hours, o mula 10am hanggang 4PM.

Ang matitipid namang kuryente ay isu-supply sa mga household.

Subalit ito ay boluntaryo at kailangan pang kumbinsihin ng pamahalaan ang mga negosyante na sumali sa programa.

Sinabi pa ni Belmonte na ito sa ngayon ang pinakamadaling opsiyon kung papayag lamang ang mga negosyante.

“We know that there are excesses and reserved capacities of certain costumers like big industrial companies, malls etc… But certainly it needs a lot of convincing by the president personally on this people not just by the DOE.”

Kasama rin sa mga opsyon ng kongreso ay ang pag-upa ng pamahalaan ng generator sa loob ng tatlong buwan.

Panghuli ay ang panukalang pagtatayo ng mga solar panel energy o power plants.

“I hope the DOE will come out with its predicament or with its finding on the impending insufficiency of power during the summer months in 2015,” saad pa ni Belmonte.

Oras na maihain na ang joint resolution ay agad itong tatalakayin ng House Committee on Energy.

Target ng kongreso na maipasa sa lalong madaling panahon sa kabila ng marami pang priority bills ang kongreso gaya ng 2015 proposed national budget. (Grace Casin / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481