QUEZON CITY, Philippines – Mawawalan ng supply ng tubig ang Barangay San Roque sa lungsod ng Quezon simula ngayong gabi ng Huwebes.
Ayon sa advisory ng Manila Water Company, Inc., magsisimula ang water service interruption mamayang alas-10 ng gabi at tatagal hanggang bukas ng alas-4 ng madaling araw, Biyernes.
Ito ay dahil sa isasagawang maintenance works ng kumpanya sa isang bahagi ng Boni Serrano Avenue.
Pinapayuhan ang mga maaapektuhang residente na mag-ipon ng sapat na tubig para sa kanilang pangangailangan. (UNTV News)