MANILA, Philippines – Magsasagawa ang Senado ng pagdinig sa Miyerkules ukol sa paghahanda ng bansa sa posibleng pagkalat ng Ebola virus sa Asya.
Sa pahayag ni Senate Committee on Health and Demography Chairman Teofisto Guingona III, layunin ng pagdinig na matiyak na ang lahat ng kagawaran ng pamahalaan at ahensya na nagsisilbing frontlines ay magkakatuwang sa paghahanda laban sa naturang sakit.
Lumalabas sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) na aabot sa 3,500 Filipino workers ang nasa West African countries na apektado ng Ebola. (UNTV News)