Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Ilang hakbang sa paghawak ng kaso ng Ebola virus at MERS-CoV, ipinakita ng DOH at RITM

$
0
0

Ang pagpapakita ng tamang paraan ng pagsuot ng coverall at goggles para sa isang health worker na mag-aasikaso ng isang pasyenteng tinamaan ng Ebola virus. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Health (DOH) na nakahanda na ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sakaling makapasok sa bansa ang Ebola virus.

Kanina ay ipinakita sa media ng Department of Health at RITM ang unang daraanan ng isang taong posibleng may sintomas ng Ebola virus at Middle East Respiratory Syndrome Corona Virus (MERS-CoV).

Ayon sa health department, unang dadaan sa tinatawag na triage tent ang mga pasyente na posibleng kakitaan ng sintomas ng naturang mga sakit, upang sagutan ang triage survey form.

Matapos masagutan ang mga survey form ay kinakailangan namang magtungo ang pasyente sa triage building.

Dito makikita ang limang isolation room ng mga pasyente na isasailalim sa mga pagsusuri upang matukoy kung positibo o negatibo sa virus.

Ang RITM ang itinuturing na isa sa mga pangunahing ospital sa bansa na siyang nagunguna sa pangagamot sa mga pasyenteng apektado ng mga nakakahawang sakit tulad ng SARS, Corona Virus at H1N1 virus.

Bukod sa mga pasilidad, ipinakita din ang tamang pamamaraan ng pagsusuot ng coverall suit, N95 respirator, goggles at gloves para sa proteksyon ng isang health worker.

Kaalinsabay nito ay muli namang nanawagan ng kooperasyon sa publiko si DOH Secretary Enrique Ona.

Aniya, “What I would like to emphasize is the cooperation of the public is very important dapat ito is knowledge what is Ebola all about para hindi po tayo nagpapanic.”

Dagdag pa ni Ona, sakaling mayroong mga kakilala o kamag-anak na mula sa West Africa ay dapat hikayatin ang mga ito na agad magpasuri upang malaman kung ito ay may mga sintomas ng sakit.

Tiniyak rin nitong ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang mapigilan ang pagpasok sa bansa ng nakamamatay na sakit.

“We have done all what is reasonably necessary to protect our people from this virus and hopefully to prevent it from being infected by those that might have been exposed,” saad pa ng kalihim.

Tiniyak din nitong nananatili na Ebola-free ang Pilipinas.

Sa darating na Oktubre 28 hanggang 30 ay isasailalim sa specialized training program ang labing pitong ospital na rekomendado ng DOH na magka-quarantine sa mga peacekeeper na uuwi sa bansa sa susunod na buwan.

Kabilang rito ang Philippine General Hospital (PGH), PNP General Hospital, at AFP Medical Center. (Joan Nano / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481