Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga lugar na sakop ng 6-km permanent danger zone ng Bulkang Mayon, tutukuyin ng mga geologist

$
0
0

FILE PHOTO: Mt. Mayon view from Gabawan Lake at Daraga, Albay in August 2014. (RHOUELL CARINO / Photoville International)

LEGAZPI CITY, Philippines – Tutulong na ang Manila-based geologists sa pagtukoy sa mga nlugar na sakop ng 6-kilometer permanent danger zone sa paligid ng Bulkan Mayon.

Ito ay upang masiguro kung alin ang tiyak na mapanganib na mga lugar sakaling sumabog ang Bulkan Mayon.

Dito rin malalaman ng lokal na pamahalaan ang mga prayoridad na lugar upang agad mailikas ang mga residente sa lugar.

Kapag natukoy na ang mga lugar na sakop ng 6-km permanent danger zone at 7-km extended buffer zone sa paligid ng Mayon ay agad lalagyan ng marker na magiging basehan bilang mga delikadong lokasyon at upang huwag ng puntahan ng sinoman.

Inaasahang bukas o sa susunod na araw ay darating na sa Albay ang mga geologist mula sa main office ng PHIVOLCS.

Samantala, muling namataan ng PHIVOLCS ang bahagyang pagliwanag ng bunganga ng bulkan simula kahapon ng madaling araw, Lunes at umaga nitong Martes.

Pero sa obserbasyon ng PHIVOLCS, napakahinang crater glow lamang ito at hindi kayang makita ng ordinaryong paningin.

Muli naman nakapagtala ang PHIVOLCS ng 4 na volcanic earthquake, 3 rock fall events, habang nanatili sa 272 tons naman ang ibinubugang white steam plumes sa bahagi ng west at northwest ng Bulkan Mayon. (Allan Manansala / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481