Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

International conference sa pagbuwag ng death penalty, isasagawa sa Pilipinas sa Oct. 27-28

$
0
0

Sina DOJ Sec. Leila De Lima, USec. Francisco Baraan III kasama sina Leonardo Tranggono ng Comunita di Sant’Egidio, USA (International) at Italian Ambassador Massimo Roscigno sa pagsusulong ng isasagawang international conference sa pagbuwag ng death penalty. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Sa modernong panahon na ating ginagalawan, itinuturing na isang kalupitan ang pagpapataw ng death penalty o parusang kamatayan.

Kaya naman maraming mga bansa na ang nagsusulong sa pagbuwag ng parusang ito kahit sa mga nakakagawa ng mabibigat na krimen.

Aktibo sa adbokasiyang ito ang Pilipinas na nangunguna sa buong Asya.

Kaya ang Pilipinas ang napiling manguna sa taunang komperensiya sa pagsusulong ng abolition ng death penalty.

“The Ph is considered as the leading country in Asia in terms of advocating for the abolition of death penalty. Alam niyo naman po na may batas tayo, RA 9346, signed into law on June 24, 2006 na in abolish po ang capital punishment,” pahayag ni Justice Secretary Leila De Lima.

Nitong nakalipas na taon, 114 na mga bansang kasapi ng United Nations (UN) ang sumang-ayon sa moratorium o pagtigil ng pagpapatupad ng death penalty, habang 58 mga bansa pa ang nagpapatupad ng parusang kamatayan at ang karamihan ng mga ito ay nasa Asya.

“Why in Asia? Because we know that most of the country maintain the capital punishment especially in Asia, that’s why we would like to do the meeting here in Asia,” paliwanag ni Leonardo Tranggono, International Relations of Communita Di’ Sant’Egidio.

Pinuri naman ng ambassador ng Italya ang Pilipinas dahil sa pagtanggap nito sa hamon na ituloy ang panawagan sa pag-alis ng parusang kamatayan.

“I want to congratulate the Philippine government for deciding to host this very important, meaningful conference that really puts the Philippine in high moral ground in support of this very important battle against death penalty that we consider barbaric and out of step in this modern times,” saad ni Ambassador Massimo Roscigno.

Isasagawa ang international conference sa isang hotel sa Mandaluyong City sa darating na Lunes at Martes.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na isasagawa ang taunang kumperensiya sa labas ng Italya sa nakalipas na walong taon.

Inaasahang dadaluhan ito ng labing-apat na mga bansa sa Asya. (Roderic Mendoza / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481