Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga bangko, nagagamit na rin sa transaksyon ng ilegal na droga — PNP

$
0
0

FILE PHOTO: Pag-wi-withdraw ng sa isang ATM (UNTV News)

MANILA, Philippines – Aminado ang PNP Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (AIDSOTF) na nahihirapan sila sa bank-to-bank transaction na ginagawa ng mga sindikato ng illegal drugs.

Ito’y dahil hindi sapat ang pondo ng AIDSOTF upang magdeposito ng malaking pera bago makipagkita ang mga drug operator.

Ayon kay AIDSOTF Legal & Investigation Division Chief Inspector Roque Merdegia, karaniwang ipinahuhulog ng mga drug operator sa bangko ang bayad bago ideliver ang droga.

Dagdag pa nitos, maging ang remittance services ay nagagamit na rin sa drug operations.

“Magulang ba rin ang mga drug lord, wala nang kaliwaan ngayon, bank to bank na.”

Gayunman, sinabi ni Merdegia na ginagamitan na lamang nila ng abilidad upang makumbinsing makipagkita sa kanila ang mga drug operator.

“Masilaw sya don sa halaga ng value na alam nyang hawak na ng operatiba kaya mapililitan syang lumutang, so gumagawa ng napakaraming dahilan ang ating mga operatiba para mapilitang lumutang yung suspek at iabot sa operatiba yung droga,” saad pa ng opisyal.

Sa ngayon ay nakikipagtulungan din sila sa ibang unit na mayroong mga gadget upang matunton kung saan nagtatago ang mga drug operator.  (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481