Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

DOJ, may nakikitang basehan upang kasuhan at i-deport Marc Sueselbeck

$
0
0

Ang pag-akyat sa gate at pagtulak sa isang militar ni Marc Sueselbeck nitong Miyerkules ng magtangka itong pumasok sa Camp Aguinaldo na kinaroroonan ni US Marine Private First Class Joseph Scott Pemberton na suspek sa pagpatay sa transgender na si Jeffrey Laude. (UNTV News)

MANILA, Philippines – May nakikitang basehan ang Department of Justice (DOJ) upang kasuhan at i-deport ang German national na fiancé ng pinaslang na transgender na si Jeffrey Laude alyas Jennifer.

Ayon kay Justice Secretary Leila De Lima, ang pagakyat sa bakod ng Camp Aguinaldo at pagtulak sa isang sundalo ng AFP ay malinaw na breach of security at disrespect to authorities.

“It is even a criminal offense either assault at the very least alarm and scandal. Assault or grave coercion pinipilit ang sarili na pumasok na prohibited restricted yung area na yun,” giit nito.

Dagdag pa ng kalihim, pinagaaralan na lang kung ide-deport agad o kakasuhan muna si Sueselbeck bago paalisin ng bansa.

“Kasi kapag may kaso ang subject of deportation hindi muna siya pwede i-deport kahit may order of deportation isu-supend muna yan. Kakasuhan muna natin para maturuan ng leksyon o i-deport na lang para mas madali maalis na siya ditto,” saad pa ng kalihim.

Samantala, sinabi naman ni De Lima na matagal nang may pag-uusap upang maayos ang implementing guidelines ng Visiting Forces Agreement (VFA).

Hindi na sana nagkaroon ng problema sa usapin ng kustodiya sa murder suspect na si US Marine Private First Class Joseph Scott Pemberton kung naiayos na ito.

“Kung na-settle na kaagad ba yung mga issues ng custody or in terms of the proper interpretation on the provisions on custody hindi na sana natin pinag-uusapan ito sa ngayon,” saad pa ni De Lima. (Victor Cosare / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481