Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Disaster preparedness ng bansa, pinalalakas pa ng NDRRMC

$
0
0

FILE PHOTO: (Left) Senator Loren Legarda, Chairperson of Senate Committees Climate Change and Environment and Natural Resources; (Right) National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) chairman Alexander Pama

MANILA, Philippines – Hindi lamang ang mga opisyal ng pamahalaan ang nararapat na maging handa sa pagdating ng mga kalamidad sa bansa.

Bunsod nito, nagsagawa ng pagpupulong ang National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC) kasabay ng International Day of Disaster Risk Reduction para sa mga elderly at persons with disability sa kung ano ang magagawa ng mga ito sa panahon ng kalamidad.

Ayon kay Regional Champion for Disaster Risk Reduction and Climate Change Adaptation for Asia and the Pacific Sen. Loren Legarda, walang pinipiling edad ang kalamidad kaya’t nararapat na bawat miyembro ng pamilya ay may kaalaman kung paano ililigtas ang kanilang mga sarili.

“Resilience should be an attitude it should be part of our way of life, ang ating paghahanda sa mga natural hazards na nangyayari ay napakahalaga para hindi na mangyari muli ang nangyari sa Ondoy, Sendong, Pablo at Yolanda,” saad nito.

Idinagdag pa ni Legarda na kulang pa ang kahandaan ng bawat isa sa panahon ng kalamidad subalit hindi pa huli upang ito ay palakasin.

Sinabi naman ni NDRRMC Usec. Alexander Pama na mahalaga ang nalalaman at karanasan ng bawat isa upang malampasan ng ligtas ang bawat kalamidad na dumarating sa bansa.

“Pambobola na lang kung sasabihin na malayo at hindi ito darating sa atin,” ani Pama.

Ayon sa NDRRMC, ang Pilipinas ay vulnerable sa mga kalamidad kung saan umaabot sa 20 bagyo ang tumatama sa bansa kada taon, bukod pa sa mga hindi inaasahang lindol kaya’t nararapat na laging maging handa ang bawat isa. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481