Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Low Pressure Area (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility, posibleng maging bagyo sa loob ng 24 na oras

$
0
0
satimage5am103114 jpg

 

Malaki ang posibilidad na maging bagyo ang isang Low Pressure Area na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ngayon araw ay inaasahang papasok ang LPA sa PAR na papangalanang “Paeng” kapag ito ay naging bagyo.

Kaninang alas-4 ng umaga ay namataan ito ng PAGASA sa layong 1,435km East ng Catarman, Northern Samar.

Sinabi ni PAGASA forecaster Gener Quitlong, may posibilidad na mag-landfall o tumama ito sa Bicol region o kaya naman ay manggilid lamang sa silangang bahagi ng Luzon sa oras na makalapit ito sa bansa at tahakin ang direksyong patungong Japan.

Sa ngayon ay makakaranas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang Central Visayas, Zamboanga Penninsula, Northern Mindanao, CARAGA at Davao.

Mahinang mga pag-ulan naman ang maaaring maranasan sa Cagayan Valley, Cordillera at Ilocos dahil sa Amihan habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas din ng papulo-pulong pag-ulan, pagkidlat at pagkulog.

Ang araw ay sumikat kaninang 5:51am at lulubog mamayang 5:28pm. (Rey Pelayo, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481