Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

P16.5-B Yolanda rehabilitation master plan, nilagdaan na ni Pres. Aquino

$
0
0

FILE PHOTO: Sa larawang ito na kuha noong December 10, 2013 gamit ang UNTV drone technology, makikita ang isang barkong pangkomersyo na napadpad sa isang pamayanang malapit sa pampang ng Anibong, Tacloban matapos ang pananalasa ni supertyphoon Yolanda. Ayon sa pagtatala ng NEDA, umabot sa P571 billion ang kabuoang halaga ng naging pinsala ni Yolanda sa bansa. (ARGIE PURISIMA / Photoville International)

MANILA, Philippines – Nilagdaan na ni Pangulong Benigno Aquino III ang P167.5 billion rehabilitation master plan na lalong magpapabilis sa isinasagawang rehabilitation effort sa mga lugar na sinalanta ng Super Typhoon Yolanda noong nakaraang taon.

Nakapaloob sa walong libong pahina ng Yolanda Rehabilitation Masterplan ang mahigit 25 libong rehabilitation and recovery plans para sa anim na rehiyon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, sa nasabing pondo, mapupunta ang mahigit P35-billion sa infrastructure, P26.4 billion sa social services, P75.7 billion para sa resettlement at P30.6 billion para sa livelihood programs.

“The previous plans na sinubmit kasi walang work programs so ngayon all the programs for rehab all the details have been inputted to that thick rehab plan,” anang kalihim.

Pangunahing layunin ng Yolanda rehabilitation master plan na maitayo ang mga kinakailangang imprastraktura upang masustenihan ang takbo ng ekonomiya sa Yolanda-affected areas.

Paglalaan ng livelihood programs at pagpapatatag sa kakayahan ng komunidad na harapin ang mga darating pang kalamidad sa bansa.

Batay sa Office of the Executive Secretary, nakapaglabas na ng pondo ang Department of Budget and Management (DBM) ng halos P5 billion para sa rehabilitation master plan.

Aminado naman ang Malakanyang na didepende pa rin sa kooperasyon ng mga local government unit ang pagpapabilis ng pagtatayo ng permanent housing para sa mga pamilyang hanggang ngayon ay nakatira pa rin sa mga tent o temporary shelter partikular na sa Tacloban City.

Ayon kay Lacierda, “NHA is prepared to do so much housing units we have the funds for that again, the issue here is always on the local government side they have to identify the land where to build this permanent housing structures,” saad nito. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481