(5am update: 11/01/14) Pasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) amg bayong si “Paeng”.
Kaninang 4am ay namataan ito ng PAGASA sa layong 1,102km sa Silangan ng Legaspi Albay.
Taglay ang lakas ng hangin na 75kph at pagbugso na aabot sa 90kph.
Tinatahak nito ang direkayon paKanluran Hilanagan-Kanluran sa bilis na 15km kada oras.
Sa ngayon ay wala pang direktang epekto ito sa bansa subalit magdudulot ito ng matataas na pagalon sa silangang baybayin ng Gitna at Katimugang Luzon kaya’t pinagbabawalan ang pagpalaot ng mga sasakyang pangisda at maliit na sasakyang pandagat.
Ayon sa PAGASA, maliit ang posibilidad na mag-landfall o tumama ito sa bansa dahil tinatahak nito ang direksyon patungong Japan.
Sa pagtaya ng PAGASA, makakaranas ng mahina hanggang sa katamtamang pagulan ang CALABARZON, Bicol at mga probinsya ng Romblon, Marinduque, Mindoro at Samar.
Mahinang pagulan din ang mararanasan sa Cagayan Valley, Cordillera at Ilocos region dahil sa Amihan.
Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas din ng papulo-pulong mga pagulan, pagkidlat at pagkulog.
SUNRISE: 5.51AM
SUNSET: 5.27PM
END