(11am update: 11/01/14) – Bahagyang bumagal subalit lumakas naman ang bagyong “Paeng” habang nasa loob ng Philippine Area of Reaponsibility (PAR).
Kaninang 10am ay namataan ito ng PAGASA sa layong 1,100km sa silangan ng Legaspi City.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 95km kada oras at may pagbugso na aabot sa 120km kada oras.
Tinatahak nito ang direkayong pakankuran Hilagang-Kankuran sa bilis na 13km kada oras.
Sa ngayon ay wala pang direktang epekto ito sa bansa subalit magdudulot ito ng matataas na pagalon sa silangang baybayin ng Visayas at Gitna at Katimugang Luzon kaya’t pinagbabawalan ang pagpalaot ng mga sasakyang pangisda at maliit na sasakyang pandagat.
Ayon sa PAGASA, maliit ang posibilidad na mag-landfall o tumama ito sa bansa dahil tinatahak nito ang direksyon patungong Japan.
Sa pagtaya ng PAGASA, makakaranas ng mahina hanggang sa katamtamang pagulan ang CALABARZON, Bicol at mga probinsya ng Romblon, Marinduque, Mindoro at Samar.
Mahinang pagulan din ang mararanasan sa Cagayan Valley, Cordillera at Ilocos region dahil sa Amihan.
Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas din ng papulo-pulong mga pagulan, pagkidlat at pagkulog.(Rey Pelayo/UNTV NEWS)
SUNRISE: 5.51AM
SUNSET: 5.27PM
END