(5pm update: 11/01/14) – Napanatili ng bagyong “Paeng” ang taglay nitong lakas habang nasa loob parin ng Philippine Area of Responsibility ( PAR).
Kaninang 4pm ay namataan ito ng PAGASA sa layong 985km sa silangan ng Virac, Catanduanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 95km kada oras at may pagbugso na aabot sa 120km kada oras.
Tinatahak nito ang direkayong pakankuran Hilagang-Kankuran sa bilis na 13km kada oras.
Sa ngayon ay wala pang direktang epekto ito sa bansa subalit magdudulot ito ng matataas na pagalon sa silangang baybayin ng Visayas at Gitna at Katimugang Luzon kaya’t pinagbabawalan ang pagpalaot ng mga sasakyang pangisda at maliit na sasakyang pandagat.
Sa pagtaya ng PAGASA, makakaranas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at CARAGA
Mahinang pagulan din ang mararanasan sa Cagayan Valley, Cordillera at Ilocos region dahil sa Amihan.
Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas din ng papulo-pulong mga pagulan, pagkidlat at pagkulog. ( Rey Pelayo/ UNTV NEWS )
SUNRISE: 5.51AM
SUNSET: 5.27PM
END