Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Bagyong “Paeng”, isa ng Typhoon

$
0
0

PAGASA Satellite imageries

PAGASA Satellite imageries


(5am update: 110214)- Pasok na sa kategoryang Typhoon ang bagyong “Paeng” dahil sa patuloy nitong paglakas.

Kaninang 4am ay namataan ito ng PAGASA sa layong 1,220km sa Silangan ng Baler, Aurora.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 120km kada oras at may pagbugso na aabot sa 150km kada oras.

Tinatahak nito ang direkayong pakankuran Hilagang-Kankuran sa bilis na 13km kada oras.

Ayon sa PAGASA, maliit ang posibilidad na mag-landfall o tumama ito sa bansa.

Sa ngayon ay wala pang direktang epekto ito sa bansa subalit magdudulot ito ng matataas na pagalon sa silangang baybayin ng Visayas at Gitna at Katimugang Luzon kaya’t pinagbabawalan ang pagpalaot ng mga sasakyang pangisda at maliit na sasakyang pandagat.

Makakaranas naman ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang Bicol Region, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Caraga at mga probinsya ng Palawan, Batangas at Quezon.

Mahinang pagulan din ang mararanasan sa Cagayan Valley, Cordillera at Ilocos region dahil sa Amihan.

Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas din ng papulo-pulong mga pagulan, pagkidlat at pagkulog. ( Rey Pelayo/ UNTV NEWS )

SUNRISE: 5.51AM
SUNSET: 5.27PM

END


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481