Nagbabala ang PAGASA sa mga may sasakyang pangisda at maliliit na sasakyang pandagat na huwag munang pumalaot sa Silangang baybayin ng bansa dahil sa patuloy na paglakas ng bagyong “Paeng”.
Sa pinakahuling bulletin ng weather bureau, taglay na ngayon ni Typhoon “Paeng” ang lakas ng hangin na 150kph at pag-bugso na aabot naman sa 185kph.
Kaninang 10am ay namataan ito ng PAGASA sa layong 1,190km sa Silangan ng Baler, Aurora.
Tinatahak nito ang direksyong pa-Kanluran Hilagang-Kanluran sa bilis na 13kph.
Walang signal ng bagyo na nakataas sa anumang bahagi ng bansa dahil maliit naman ang tyansa na magland-fall o tumama ito sa bansa.
Tinatayang sa Martes ay lalabas na ng Philippine Area of Responsibility si “Paeng”.
END