(5am update : 11/03/14) – Lalo pang lumakas ang bagyong “Paeng” habang gumagalaw sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Kaninang 4am ay namataan ito ng PAGASA sa layong 1,135km sa silangan ng Tuguegarao City.
Nasa 205kph na ang taglay nitong lakas ng hangin at may pag-bugso na aabot sa 240kph.
Tinatahak nito ang direksyong Hilaga Hilagang-Silangan sa bilis na 13kph at inaasahang lalabas ng PAR bukas.
Pinagbabawalan parin ang mga sasakyang pangisda at maliit na sasakyang pandagat na pumalaot sa Hilagang baybayin ng Northern Luzon at Silangang baybayin ng bansa dahil sa taas ng pagalong maaaring umabot sa 4.5 meters.
Walang signal ng bagyo na nakataas sa anumang bahagi ng bansa dahil ayon sa PAGASA maliit naman ang tyansa na magland-fall o tumama ito sa bansa.
Sa forecast ng PAGASA, makakaranas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang Eastern Visayas at Mindanao.
Mahinang pagulan din ang mararanasan sa Cagayan Valley, Cordillera at Ilocos region dahil sa Amihan.
Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas din ng papulo-pulong mga pagulan, pagkidlat at pagkulog. ( Rey Pelayo/ UNTV NEWS )
SUNRISE: 5.52AM
SUNSET: 5.27PM
END