(5pm update: 11/02/14) – Nakahigop pa ng lakas ang bagyong si “Paeng” habang nasa loob parin ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Base sa update ng PAGASA, nasa 175kph na ang taglay nitong lakas ng hangin at may pagbugso na aabot sa 210kph.
Namataan si Typhoon “Paeng” ng weather agency sa layong 1,120kph sa Silangan ng Casiguran, Aurora.
Tinatahak ang direkayong pa-Hilaga sa bilis ba 13kph.
Pinagbabawalan parin ang mga sasakyang pangisda at maliit na sasakyang pandagat na pumalaot sa Hilagang baybayin ng Northern Luzon at Silangang baybayin ng bansa dahil sa taas ng pag-along maaaring umabot sa 4.5 meters.
Walang signal ng bagyo na nakataas sa anumang bahagi ng bansa dahil ayon sa PAGASA maliit naman ang tyansa na magland-fall o tumama ito sa bansa.
Tinatayang sa Martes ay lalabas na ng Philippine Area of Responsibility si “Paeng”. ( Rey Pelayo / UNTV NEWS)
SUNRISE : 5.52am
SUNSET : 5.57pm
END