MANILA, Philippines — Umaasa ang Malakanyang na matatapos sa lalong madaling panahon ang paglilitis sa mga suspek sa Maguindanao massacre Case.
Sinabi ni Communications Secretary Herminio ‘Sonny’ Coloma Jr. na patuloy ang kanilang pagnanais na mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng malagin na krimen.
Gayunman, binigyang diin ng Palasyo na hindi nila maaaring diktahan ang korte dahil may sariling proseso itong sinusunod sa pagdinig ng mga kaso. (UNTV News)