MANILA, Philippines — Nakatakdang humingi ng 9-day furlough mula sa Sandiganbayan si dating Pangulo at Pampanga Representative Gloria Arroyo.
Ayon sa mga abugado nito, ihahain nila ang naturang mosyon ngayong araw.
Nais pumunta ni Ginang Arroyo sa lamay at libing ng kanyang pinakabatang apo na namatay dahil sa congenital heart problem nitong Linggo.
Si Arroyo ay kasalukuyang naka-hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center. (UNTV News)