Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pagpapawalang-bisa ng Korte Suprema sa air time limit sa mga political ads, pinal na

$
0
0

FILE PHOTO: Supreme Court Logo (UNTV News)

MANILA, Philippines — Pinal na ang desisyon ng Korte Suprema na nagpapawalang-bisa sa air time limit sa mga political advertisement na tinangkang ipatupad ng COMELEC noong 2013 elections.

Ito’y matapos hindi panigan ng korte ang motion for reconsideration ng Commission on Elections sa kanilang decision nitong nakaraang Setyembre.

Unanimous ang naging botohan ng mga mahistrado na idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang section 9-A ng Comelec Resolution 9615.

Sa naturang resolusyon, nililimitahan ng Comelec ang patalastas ng isang kandidato sa kabuuang 120 minutes sa lahat ng telebisyon at 180 minutes naman sa radyo.

Dahil dito, tuluyan ng ipinagbabawal ng Korte Suprema na ipatupad ang Comelec ang aggregate air time limit sa mga susunod na halalan. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481