Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Singil sa kuryente ng MERALCO, bababa ngayong Nobyembre

$
0
0

Ang pinakahuling adjustment sa singil ng Meralco sa mga consumer nito na mararanasan ngayong Nobyembre. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Bababa ng P0.41 kada kilowatt-hour (kWh) ang singil sa kuryente ngayong buwan ng Nobyembre ayon sa anunsyo ng Manila Electric Company (MERALCO).

Ibig sabihin, mahigit 80 pesos ang mababawas sa mga kumukonsumo ng 200 kWh, P123 naman sa inaabot ng 300 kWh, P164 sa may 400 kWh consumption, at P205 ang mababawas sa mga kumukonsumo ng 500 kWh.

Paliwanag ng MERALCO, ang adjustment ay resulta na rin ng pagbaba sa generation charge.

Nabawasan ng 2.45 centavos kada kWh ang generation charge ngayong Nobyembre na siyang pinakamababa ngayong taon.

“Ang pagbaba ng generation charge ay dahilan sa mas kakaunti ang mga force plant outages at normal na operasyon ng Malampaya,” pahayag ni MERALCO Spokesman Joe Zaldarriaga.

“Typically may mga scheduled outages at atin talagang binabantayan ay mga forced outages of power plants kasi yun yung mga bagay na di inaasahan at lalo na kung magkakasabaysabay sila mahahaba yung kanilang duration ng forced outages for the October supply month napansin natin na bagama’t nagkaroon ng force outages on certain power plants sila ay maiikli at di nagkasabay sabay. Di rin ganoon kahaba ang duration nila,” saad naman ni MERALCO Utility and Economics Head Larry Fernandez.

Nagkaroon din ng pagbaba sa iba pang bill components na nakatulong kaya 41 sentimo ang mababawas sa kada kilowatt hour na singil sa kuryente.

Samantala, nadagdagan naman ang mga kumpanyang sumali sa Interruptible Load Program ng pamahalaan (ILP).

Ayon sa MERALCO, sa ngayon ay umaabot na sa 169 megawatts ang signed contracts para sa ILP, habang umaabot na sa 348 MW ang nakukuhang commitment para sa programa.

Ayon kay Fernandez, ang ILP ay isa lamang sa mga hakbang upang paghandaan ang nakaambang power shortage sa susunod na taon.

“400 MW is an internal target for our front liners to get as many participants as we can,” saad nito. (Victor Cosare / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481